Ang Tunay na Iskolar ng Bayan

UP Oblation

Ang tunay na iskolar ng bayan
Na may pakialam sa kapwa nating mamamayan
Alam na hindi RH Bill ang tunay na kasagutan
Sa problemang hinaharap ng ating lipunan

Napakaraming problema ang dapat nating tugunan
Pagpapatatag ng edukasyon ang ating pondohan
Kung kulang pa tayo ng guro, libro at paaralan
Paano natin sila bibigyan ng wastong karunungan?

Pill at condom lang ba ang halaga ng ating katawan?
Kung hindi kaya mahalin, edi huwag na pakasalan
Tayo rin ang todong maaapektuhan, tayong mga kabataan
Kaya naman natin magtimpi, disiplina lang ang kailangan

Bakit ba ang pagbubuntis ay pilit iniiwasan?
Isa ba itong sakit na nararapat mabilisang gamutan?
Ang totoo, isa itong napakalaking karangalan
Na ang babae’y makapagdalang tao sa kanyang sinapupunan

Mga taga-UP, gamitin natin ang ating taglay na katalinuhan
Huwag tayo maging parang asong sunod sunuran
Hindi purkit uso at sinabing maganda ng mga taga-kanluran
Ay totoong makabubuti sa ating minamahal na bayan

Iskolar ng bayan, buksan natin ang ating isipan
Tingnan natin mabuti ang isyu sa kabuuan
Ibasura na natin ang RH Bill bago tayo magsisi ng tuluyan
At tinataguyod ng panukalang ito ay kultura ng kamatayan

Ang tunay na iskolar ng bayan
Na may pakialam sa kapwa nating mamamayan
Alam na hindi RH Bill ang tunay na kasagutan
Sa problemang hinaharap ng ating lipunan

-o-o-o-

This poem is penned by John Juat in relation to the Pro-Life Rally mounted by Pro-life UP Students last July 1.

Image otained from WikiCommons.

Leave a comment with Facebook or regular comment box below.

4 comments:

  1. ayos! kala ko ikaw gumawa nito... pero astig. tama nga naman... tsaka wala pa akong kilalang tiga-UP na walang pakialam sa paligid niya. :)

    ReplyDelete
  2. Talaga naman Tine.

    Lahat ng taga-UP mga pakialamero. Yung iba nga kahit mali-mali na yung ipinaglalaban eh tuloy pa rin sa pakikialam tulad ng mga pro-RH Bill na taga-UP.

    P.S.

    Hindi ako marunong magsulat ng ganyang poem. Hanggang haiku lang ako. :-P

    ReplyDelete
  3. Come on, UP is just another third world university which does not even rank on Times Higher World University Rankings. Don't be that delusional that it is a good university.

    ReplyDelete
    Replies
    1. It is a good university in the Philippines. And yeah I agree with you that it still far behind compared to other Universities in Europe and America.

      You're accusing me of being delusional. Show me your basis.

      Delete

Comments are very much welcome. However, I reserve the right to delete comments that contains spam.

Also drop by my other blog: Ahab Reviews and Tips - my tips and reviews blog.