Ano ang Ginagawa sa Kumpil?

May mga tanong ka ba tungkol sa kumpil? Tanungin mo ako sa pamamagitan ng pag-follow sa aking Facebook page at pag-iwan ng comment o message.


Kumpil
Ang Kumpil (Source: Wikipedia).
Para Saan ang Kumpil?

Ang kumpil ay ang Sakramento ng Simbahang Katolika na kumukumpleto sa spiritwal na biyaya o grasya na natanggap ng isang Katoliko noong binyag.

Ang sakramentong ito ay pinahihintulutang ibigay sa lahat ng Katoliko na may edad 12 na taong gulang pataas. Katulad ng binyag, sa kumpil ay dapat may ninong o ninang ang kukumpilan.

Ang kumpil ay importanteng hakbang bago ikasal sa Simbahan. Kaya naman dapat magpa-kumpil muna bago ka ikasal.

Ano nga ba ang ginagawa sa kumpil?

Simple lang naman ang seremonyas na ginagawa sa kumpil. Heto ang mga mahalagang ginagawa sa kumpil:

1. Pagpapabanibago ng mga pangako mg binyag.

Dito ay inihahayag ng kukumpilan ang kanyang pananampalataya kay Kristo at sa Kanyang Simbahan, at pagwawaksi kay Satanas. Kung sa binyag, ang mga magulang, ninong at ninang ang nagsasabi nito, sa kumpil yung mismong kukumpilan ang ang maghahayag nito

2. Pagpapatong Kamay

Ang obispong nagkukumpil ay ipapatong nya ang kanyang kamay sa mga kukumpilan habang pinagdarasal sila. Sinisimbolo nito ang pagbabasbas ng Simbahan sa mga kinukumpilan.

3. Pagpapahid ng Langis

Ang bawat kukumpilan ay papahiran ng banal na langis sa noo at "sasampalin". Ang langis ang simbolo ng kumpil.

Ilan ang Ninong o Ninang sa Kumpil?

Pwedeng isang ninong o ninang lang ang mag-"sponsor" sa iyo sa kumpil. Noong kinumpilan sa Quiapo Church, ang kasama ko lang ay isang ninang. Ang ninong o ninang sa kumpil ay dapat isang Katoliko at nasa wastong gulang. Ibig sabihin hindi ka maging ninong o ninang ang isang tao na mas bata pa sa kukumpilan.

Pakimkim sa Kumpil

Hindi requirement ang pakimkim sa kumpil. Ang kukumpilan ay magbibigay lang sa Simbahan ng donasyon base sa kanyang kagustuhan. Ang mga ninong at ninang naman ay hindi obligado magbigay ng pakimkim sa kinukumpilan.

Ang mga ginagawa sa kumpil ay simple lang pero puno ng simbolismo. Ang kumpil ay nagbibigay sa bawat Katoliko ng tatak na sila ay handa nang makipaglaban para kay Kristo. Ibig sabihin nito, ang kumpil ay hindi isang simpleng bagay sa espiritwal na aspeto.

Nakakalungkot lang na ang kumpil ay ang madalas malimutan kumpara sa iba pang mga sakramento. Yung mga magulang ko, halimbawa, ay nakalimutan akong pakumpilan. Kaya ako ay nagpakumpil lang sa Quiapo Church bago ikasal.

Kung ikaw kapareho ko ng sitwasyon, basahin mo ang aking post tungkol aking kumpil sa Quiapo Church bago ikasal. Ang kumpil ay isa sa mga requirements kung ikaw ay magpapakasal sa simbahan.

.

Leave a comment with Facebook or regular comment box below.

1 comment:

Comments are very much welcome. However, I reserve the right to delete comments that contains spam.

Also drop by my other blog: Ahab Reviews and Tips - my tips and reviews blog.