Uy, May Royal Wedding Daw

.
Nagkakagulo ang taga-media. Hindi magkandaugaga kung ano ang dapat i-cover. Astig nga naman ang event na mangyayari sa Britanya eh. Nakatutok na daw ang atensyon ng buong mundo sa London, hindi dahil sa “London bridge is falling down” pero dahil daw sa Royal Wedding ng taon.

Yup, ikakasal na daw si Prince William at ang “commoner” na si Catherine Middleton. Napakahalaga dawn g pangyayari na ito kaya ang TV 5 nakipag-team up pa sa official channel ng Royal Wedding. Ang GMA at ABS-CBN naman nagpadala ng correspondents. Paulit-ulit ang advertisement ng kasal sa TV.
.


Teka lang, sino ba itong mga ikakasal na ito? Gaano ba kahalaga sa bansa at sa masang Pilipino ang kasal nila para pagbuhusan ng atensyon ng Philippine media. Bakit kailangan kong Makita ang mga patalastas ng kasal at maki-congrats at best wishes kay William at Catherine?

Sa tingin ko lang dapat hindi na nag-focus ang media sa Royal Wedding na ito. Marami pang mas mahalagang bagay ang dapat nating bigyan nang pansin tulad ng:

1. Love Life ni President Noynoy. Aba, dapat alam natin kung sinong chikabebs ang pinopormahan ng bachelor na president natin. Malay natin, nairgalo nap ala niya ang Mindanao sa nililigawan niya.

2. Pagtaas ng bilihin, gasolina, pamasahe at hindi pagtaas ng sweldo.

3. Ang hinayupak na RH Bill at yung patuloy na pangloloko ng mga nagsusulong nito sa Kongreso. Oh wait, may pumiyok pala. Si Esperanza Cabral, sabi niya nakaka-breast cancer daw ang contraceptive pills.

4. Mga pasabog ni Ping Lacson. Aba, importante ito. Actually yan lang naman Gawain niyan ni Ping sa Senado eh. Magpasabog.

5. Beatification ni Pope John Paul II. Mas importante pa ito kesa sa kasal na iyan. O sino kokontra?

6. Kung ano ang susunod na mangyayari sa Imortal. Aba, naglalaban na ang mga lobo at bampira. Ako matagal nang naghihintay na may lumabas na tiktik at manananggal. Oh wait, nasa labas nap ala sila ng TV, nagsusulong ng RH Bill.

---

Sundan ang aking blog na Ahab Reviews and Tips at basahin ang review ko sa serbisyo ng Zest Air.

Follow me in Facebook and Twitter.
.

1 comment:

Comments are very much welcome. However, I reserve the right to delete comments that contains spam.

Also drop by my other blog: Ahab Reviews and Tips - my tips and reviews blog.