Tinolang Dance Dance

Anak ng tokwa! Kina-iiwas iwasan kong sumali sa mga program na may sayaw sayaw noong undergraduate days ko, tapos eto! Kung kelan nagtatrabaho na ako ay ako pa ang na-assign na maging coordinator para sa Christmas presentation ng department namen.

Malas pa naman ako sa mga group presentations na tulad nito. Naalala ko tuloy 'yung palpak nameng group report sa Psych 101. Walang kwenta yung kinalabasan. Idagdag pa 'yung group report sa Kas 1. Tapos 'yung presentation sa Kas 2. Ang maipagmamalaki ko na nga lang siguro ay yung mga sinalihan kong presentations noong high school ako.

So, yung presentation namen ngayon ay masasabi kong di maganda. Una ay we only had three days of practice. Labo labo pa 'yung costume. Pasaway pa yung mga dancers ng partner nameng department. Buti na lang at maasahan ko 'yung mga isinama ko sa department namen.

Hay, ewan ko ba sa sarili ko. Hindi ko makuhang mag-enjoy kapag may presentation on stage. Puro problema 'yung nasa isip ko palagi.

Bukas ay judgment day na ng pinaggagawa namen. Ahhh....kahihiyan! Sa susunod ayoko ng maging coordinator at maging dancer.

Ah, I believe in You my dear Lord na ibinigay Ninyo sa akin tong pagsubok na ito dahil mayroon Kayong importanteng bagay na gusto Ninyong matutunan ko. Basta tulungan Ninyo kame bukas ha. Thank You Jesus Christ.

No comments:

Post a Comment

Comments are very much welcome. However, I reserve the right to delete comments that contains spam.

Also drop by my other blog: Ahab Reviews and Tips - my tips and reviews blog.