Pages

Ano ang Ginagawa sa Binyag?

May mga tanong ka ba tungkol sa binyag? Tanungin mo ako sa pamamagitan ng pag-follow sa aking Facebook page at pag-iwan ng comment o message.

Ang binyag ang pinakamahalagang Sakramento dahil ito ang pintuan upang maging kaanib ng Simbahang Katolika. Kaya naman ang Sakramentong ito ay ibinibigay sa mga sanggol upang sila ay maging kaanib na sa Simbahan kahit sila ay musmos pa lamang.



Ang binyag ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbuhos ng Banal na Tubig (Holy Water) habang binabanggit ang Ngalan ng Ama, Anak, at ng Espiritu Santo. Ang simbolo ng binyag sa isang tao ay paghuhugas ng Orihinal na Kasalanan na namana ng sangkatauhan mula kina Adan at Eba.

Maliban sa Banal na Tubig ay may iba pang simbolo na ginagamit sa binyag at isa na dito ang kandila. Ang simbolo ng kandila sa binyag ay liwanag na gagabay sa bata sa kanyang paglaki. Ang mga kandila ay hawak ng mga magulang, ninong, at ninang dahil sila ang gagabay sa bata patungo sa Diyos.

Sino ang Pwedeng Maging Ninong at Ninang

Maliban sa mga magulang ng batang bibinyagan ay dapat kasama din ang magiging ninong at ninong mg bata sa seremonyas ng binyag.

Ang tanong ay sino ang pwedeng maging ninong at ninang?

Ang tungkulin ng ninong at ninang ay maging pangalawang magulang ng kanilang inaanak. Sila ang mag-aakay sa bata patungo kay Hesus. Kaya ang dapat maging ninong at ninang ay dapat isang Katoliko na nasa wastong gulang.

Pwede pa ring mag-ninong o ninang ang hindi Katoliko pero dapat may Katolikong ninong at Katolikong ninang sa mga listahan ng ninong at ninang.

Ilang ba dapat ang ninong at ninang? Pwede nang isang ninong at isang ninang lang ang kunin para sa binyag.

Ano ang Ginagawa ng Ninong at Ninang sa Binyag?

Simple lang ang tungkulin ng ninong at ninang sa araw ng binyag at iyon ay ang kanilang pagdalo sa mismong seremonyas ng binyag.

Heto ang mga ginagawa ng ninong at ninang sa binyag:

1. Sumagot sa tanong ng pari patungkol sa pagtanggap nila ng tungkulin bilang ninong at ninang.

2. Mag-antanda ng krus sa noo ng inaanak.

3. Sumagot sa mga tanong patungkol sa pagtakwil kay Satanas, kanyang mga gawa, at mga kasalanan.

4. Sumagot sa mga tanong sa paniniwala sa Ama, Jesus, at Banal na Espiritu bilang Diyos.

5. Paghawak ng kandila na sumisimbolo sa liwanag ng pananampalataya ng batang bininyagan.

Hindi kasama sa tungkulin ng ninong at ninang ang magbigay ng regalo o pakimkim sa bininyagan. Ito ay naging tradisyon na lang ng mga Pilipino.

- - -

Ang binyag ay isang importante at banal na sakramento ng Simbahan. Ang mga ninong at ninang ay mahalagang bahagi ng sakramento na ito.

Dapat ang binyag pinahahalagahan at ang pagkuha ng ninong at ninang ay pinag-iisipan para ikabubuti ng bibinyagan.
.

No comments:

Post a Comment

Comments are very much welcome. However, I reserve the right to delete comments that contains spam.

Also drop by my other blog: Ahab Reviews and Tips - my tips and reviews blog.