Pages

Ano nga ba ang Kanilang Nadarama?

Hindi ko talaga naiintindihan kung ano ang nararamdaman ng isang anak na iniiwan ng kanyang ina o amang nagibang-bansa upang maghanapbuhay.

Oo, napapanood ko sa mga pelikula ang pagsasalarawan ng hinagpis at pagdadadalamhati ng mag-anak na nagkahiwahiwalay dahil sa kailangang magtrabaho ang ina, ama, ate, o kuya sa ibang bansa.

O, napapanood ko sa mga balita at documentary ang buhay ng mga kababayan nating OFW. Nakita ko ang mga kababayan nating naninirahan sa ilalim ng tulay sa Saudi. Nabasa ko ang mga Pinoy at Pinay na hindi pinapansin ng mga embahada kahit sila na ang inapi ng mga amo nila. Narinig ko ang tuwa ng mga Pinoy na kumain sa Jollibee sa abroad na pawang nasa Pilipinas na rin sila.

Ngunit ang kaalaman ay hindi sapat upang maarok ng puso ang tunay ng sitwasyon ang tunay na nadarama ng ating mga kababayang OFW at ang kanilang pamilya. Ika nga nila, kung wala ka sa sitwasyon nila ay hindi mo malalaman ang kabubuan ng pagiging OFW. Ano nga ba ang nadarama ng isang amang OFW? O ng isang ina OFW? Ano ba ang nararanasan ng mga anak na naghihintay palagi sa pagdating ng kanilang mahal na magulang mula sa ibang bansa? Ano ang pangungulila ng isang asawa na ang asawa ay nasa ibang bansa.

Sa isang taga-labas na tulad ko ay hindi ko iyon maiintindihan. Ngunit sa simpleng karanasan na mayroon ako ay ideya ako sa hirap ng kanilang dinadaanan. Kalbaryo nga na maituturing. Narito lamang ang ilang sitwasyon na maibabahagi ko sa inyo patungkol sa mga bagay-bagay na ito:

-0-0-0-

Pasko sa Pilipinas at kaming magpi-pinsan ay masaya. Umaapaw na naman ng pera mula kina tito at tita. Umaapaw na naman ng pagkain sa mesa para sa isang salu-salong pananghalian. At syempre, pahuhuli ba sina tito sa Canada?

M&Ms, Chocolate Kisses, at mga candies. ‘Yan ang kanilang padala. Pinararamdam na kasama rin sila sa reunion ng pamilya.

Masaya ang lahat. Ngunit ‘pag tinitingnan ang mata ni lola, alam ko na ang hiling niya na sana katabi lang ng Maynila ang Canada.

-0-0-0-

Alam ko ang pangarap mong tumulong sa iyong ama at ina. Kaya sinabi mo sa akin na gusto mo sanang umalis ng Pilipinas at magtrabaho sa ibang bansa. Sabi mo, mas malaki ang sweldo doon at matutulungan mo sila sa pamamagitan noon.

Ngumiti na lang ako at sinabi ko na susuportahan kita sa pangarap mo. Pero sa kalooban ko eh sinasabi ko na huwag ka nang tumuloy dahil ayaw kong malayo sa iyo.

-0-0-0-

Malungkot ang text na balita mo sa akin: “Kuya, aalis na si mama papuntang Hongkong bukas.”

Alam kong malungkot ka at mawawalay ka na naman sa iyong ina. Bilang suporta ng isaang kabigan at kuya ika’y aking tinawagan. Ayaw mong sumagot at akala ko’y gusto mong mapag-isa.

Nag-text ka sa akin at sinabing: “Kuya hindi kita masagot at kasama ko si mama at kayakap ko ng mahigpit.”

Hinayaan na kita dahil alam ko na kahit sandali ay masaya ka bago pa man siya lumisan.

-0-0-0-

Simpleng kwento. Simpleng pangyayari. ‘Yan lang ang aking maibabahagi sa ko sa inyo. Salamat sa inyong mapag-pasensyang pagababasa.

---

Follow me in Facebook and Twitter.

This is my entry of support for the advocacy of PEBA. To my non-Filipino blogger friends and readers, may I ask your pardon if couldn’t give a translation for this post. I can’t translate it because I am not that good in translations.

Visit Ahab Reviews and Tips and read about my tips when applying for work abroad.
.


OFW Blog Awards

.

18 comments:

  1. wee! ako ilang beses nang muntik maging OFW... ewan ilang beses rin nag last minute backout... ewan... di pa ata ako handa... hehehehehhehe

    ReplyDelete
  2. Fiel, I am also a son of an OFW. Painful yes, grabe, we experienced crying at NAIA, pinipigil naming maiyak pero tumulo talga!, nakakamiss, parang sa pelikula na nagiiyakan but it;s true, bukod samin mdmi pa akong nakita na ganun din nung mga panahon na yun., pangalawanga alis yun ni mama, yung una medyo hindi kami nagpapansinan kasi siguro way na din namin para hindi maiyak. at etong pangatlong alis niya medyo nakangiti na kami, hindi ko na siya hinatid sa airport, basta i love you lang ingat at "mg-aral kang mabuti " sabi niya.

    Magiging maayos din ang lahat fiel. Um, siguro pray nalang for the safety of the mother, worried alng ako bat sa HK eh diba nga?-----!

    ReplyDelete
  3. Dear Ismael,

    We at PEBA welcome you and your blog to PEBA 2010. To complete the nomination process and to formally accord to your blog entry as official nominee for PEBA we would like you to fill-up the nomination form (http://www.pinoyblogawards.com/p/nomination-form.html) which is available in our PEBA site and in return an e-mail will be sent to you through the e-mail address that you will provide in this form.

    Thank you so much for supporting PEBA 2010 and our Global Filipino families.

    God bless you.

    ReplyDelete
  4. @Xprosaic:

    Talaga? Major major decision kasi ang mga ganyang bagay eh. As in, mapapaisip ka talaga ng malalim. Pag umalis ka na to work abroad eh siguradong mahirap nang bumalik.

    @Steve:

    Parekoy, si Fiel-kun ba tinutukoy mo? :-P Si Ish ito.

    Haha...anyways, isa ka pa lang anak ng OFW. Buti at ok kayo. Mahirap ang ganyang sitwasyon. Just be strong kayo para maging strength niya kayong lahat na naiwan dito sa Pinas.

    @PEBA:

    Wow! Thank you. Sige, I will try to fill-up the form. Thank you very much for the visit in my blog.

    ReplyDelete
  5. @Steve: naku, kay Ishmael pong post to hehe :)

    @topic:
    Naranasan ko na din dati ang ganito. Nung unang mangibang bansa ang tatay ko papuntang Japan para magtrabaho. Nasa elementary pa ko nun then saktong magpapasko din kaya ayun, lungkut-lungkutan kami sa family. Pero dasal lang ang katapat nyan. Ngayon after halos ng 20 years na pabalibalik ng tatay ko sa Japan, nakasanayan na rin namin ^^

    ReplyDelete
  6. Anak ka rin pala ng OFW parekoy.

    Parang wala ka nang mahahanap na Pilipino ngayon na walang kamag-anak na OFW.

    ReplyDelete
  7. Oops...dunno how to read. But if you're running for the award, good luck to you!

    ReplyDelete
  8. Sorry Suitapui if you can;t read the post.

    Oh...no. I am not gunning for any award. I just want to support my fellow Filipinos abroad.

    ReplyDelete
  9. Hindi naman talaga ganun kahirap bumalik...it's just that marami lang ding icoconsider kapag aalis talaga ako... maybe i'm still lucky enough to have few alternatives dito kesa umalis... hehehehhehehe

    ReplyDelete
  10. Tama ka. We are lucky kahit papaano. Pero kaya siguro ayaw mong umalis kasi mami-miss mo lalo ang Davao.

    ReplyDelete
  11. Nangilid luha ko dun sa part na yung Lola, malungkot. We all know that, lalo na pag matanda, we just want to see our loveones around, spending the last moments with them...though hindi pa naman ako lolo. hehe


    Hey, thanks for joining PEBA 2010! We salute you!

    ReplyDelete
  12. Wow! Salamat po sa inyong pagbisita boss.

    Yeah. Talagang malungkot po. The sad part is hindi na nakita ng lola ko yung bunso niyang anak bago siya mamatay. I guess sa langit na lang sila magkikita ng Tito ko.

    ReplyDelete
  13. nakaklungkot talaga.. ako, hindi ko na maalala kung ano bang naramadaman ko nung umalis ang tatay ko patungong US, elementarya palang yata ako nun, wala pang masyadong muwang sa mundo.. pero ngayon, narealize ko, ang nanay ko ang talagang sobrang nalungkot nung umalis sya.. :(

    ReplyDelete
  14. @Claire:

    Sad talaga na nagkakalayo yung mga myembro ng pamilya. Lalo na pag pumunta ng abroad, napaka-rare ng chance na laging umuwi at bumisita yung mga umalis para magtrabaho abroad.

    ReplyDelete
  15. Ano ang nararamdaman? Hmm... marami.

    Madalas, kapag isang OFW kid, binabansagan agad na isang rich kid. Kasi nga, merong ideya tayong mga Pinoy na kung nagtatrabaho sa abroad ang isang ama, ina, kapatid o anak, ay tiyak na maraming datung. Tama siguro sila.. pero ang hindi lang nila alam ay kung anong hirap at pangungulila ang nadaranas ng isang OFW.. lalung-lalo na ng isang OFW kid.

    Gumawa rin ako ng entry sa PEBA.. pero kunyari lang. Hehehe... Naimbitahan sana akong sumali pero hindi pupwede kasi baguhang blogger palang ako. Hopefully, next year ay magkaroon ulit ng chance na makasali sa PEBA. Doon ay nag-sheyr ako ng personal pexperiences about my being an OFW kid. Sana po ay mabasa mo rin ito.. =) Salamat. Eto po ang aking link..

    http://neneleah30.blogspot.com/2010/10/peba-entry-kuno.html

    Dumaan lang din dito, nagbasa at nagkomento. Gandang araw!! ☺

    ReplyDelete
  16. Hello Leah. ^_^

    Salamat at nagawi ka sa aking maliit na espasyo sa cyberspace.

    May ganyang kaisipan nga ang mga Pilipino pagdating sa mga anak ng OFWs. Yan nga ang dahilan kung bakit gusto rin ng marami na mag-OFW na lang. Kasi nga, gusto rin nilang maging rich kid yung mga anak nila.

    Pero tama ka. Ang laki ng sakripisyo na ibinibigay ng ng mga OFWs.

    Sayang at hindi ka pa pala pwede sumali. Di bale, marami pa namang next time.

    Sige ah...bibisitahin kita. Idagdag na rin kita sa subscription ko sa Google Reader. ^_^

    ReplyDelete
  17. buhay nga ay ganyan. mabuti na lang maraming support groups kumbaga para sa mga naiwan sa atin. kailangan maging matatag. kakaiyak din ang mga kuwento mo.

    ReplyDelete
  18. @Carnation:

    You are right. Thanks sa Internet at madali nang makapag-network ang mga OFWs at mga pamilya nila to support one another at para makipag-sosyalan na rin.

    Thanks for your visit.

    ReplyDelete

Comments are very much welcome. However, I reserve the right to delete comments that contains spam.

Also drop by my other blog: Ahab Reviews and Tips - my tips and reviews blog.