Pages

Said na ang Palabigasan

Naiirita talaga ako tuwing nakikita ko yung patalastas ng gobyerno kung saan ipinagmamalaki na umaasenso na ang Pilipinas. Ang commercial na sinasabi ay isang testimonial kung saan tatlong tao per commercial ang nagsasabi na ramdam na nila ang asenso. Ramdam na nila ang asenso.

P#@*&! Kami kaya ang interviewhin ninyo? Naranasan na ba ninyo na kalasin ang mga bakal-bakal sa mga bahay ninyo para may makain lang sa araw na iyon? Nasubukan na ba ninyong mag-dismantla at maghagilap ng mga maibebenta sa junkshop para may maipamasahe sa mga nag-aaral na anak ninyo? Nakakairita ang gobyernong ito! Nagsasayang ng pera para ipakalat sa masang Pilipino ana umuunlad na ang Pilipinas...mga tanga't kalahati pala sila eh. Mga anak sila ng ------ Tamaan sana sila ng kidlat. Mula sa presidente hanggang sa kurakot na barangay captain!

Kung ang sagot ng gobyerno sa nagugutom na Pilipino ay mga walang-laman na commercials...ay hindi natin masisisi ang mga OFW kung bakit sila umalis ng bansang ito. Nakakairita! Ahhh...naiinis na ako. Buti na lang at hindi ko pang naiisipang maging kriminal.

Hay naku...sori ah. Naglalabas lang galit. Nasaid na ang aming palabigasan at gutom ako ngayong buong araw...

No comments:

Post a Comment

Comments are very much welcome. However, I reserve the right to delete comments that contains spam.

Also drop by my other blog: Ahab Reviews and Tips - my tips and reviews blog.