Pages

Ano ang Ginagawa sa First Communion?

First Communion

May mga tanong ka ba tungkol sa first communion? Tanungin mo ako sa pamamagitan ng pag-follow sa aking Facebook page at pag-iwan ng comment o message.

Ang "first communion" ay isa sa pinakamahalagang pangyayari sa buhay ng isang Katoliko dahil ito ang unang beses na tatanggap ang isang Katoliko ng komunyon o ng banal na ostia.

Ito a madalas ginagawa ng mga batang Katoliko. Ang mga nasa Grade 2 ay pwede nang ihanda para sa first communion. Ang matatanda, lalo na ang mga bagong sanib sa Simbahan, ay dumadaan din sa first communion pagkatapos nilang mabinyagan.

Ano ba ang Komunyon?

Ang Komunyon, o "communion" sa wikang Ingles, ay isa sa 7 sakramento ng Simbahang Katolika. Sa sakramento na ito ay tumatanggap o kinakain natin ang banal na ostia. Tinatawag din itong Banal na Eukaristiya (Holy Eucharist) at itinuturing na “source and summit of ecclesial life”.

Ang banal na ostia ay mismong Katawan ni Kristo. Ayon sa katuruan ng Simbahan, ang ostia ay nagiging tunay na Katawan ni Kristo pagkatapos ng konsekrasyon sa Banal na Misa. Ito ay isa sa mga misteryo ng Simbahan na dapat pinanaligan ng mga Katoliko.

Dahil sa kabanalan ng Katawan ni Kristo ay hindi basta basta tinatanggap ang komunyon. Ang mga bata ay dumaan muna sa katekismo bago makapag-first communion.

Sino ang Pwedeng Mag-first Communion?

Ang mga pwedeng mag-first communion ay mga Katolikong bata na Grade 2 o higit pa na nakapag-katesismo na.

Ano ang Requirement sa First Communion?

Ang mga requirement sa first communion ay ang mga sumusunod:

  1. Binyag - dapat ang mag-first communion ay nabinyagan na. Ang baptismal certificate, na makukuha sa opisina ng parokya kung saan ka nabinyagan, ang patunay ng iyong binyag.
  2. Kumpisal - ang mag-first communion ay dapat magkumpisal muna upang mapatawad muna ang kasalanan bago timanggap ng Katawan ni Kristo. Alamin sa opisina ng parokya ang schedule ng kumpisal.
  3. Cathechism - ang communion ay Katawan ni Kristo at hindi basta-basta tinatanggap dahil ang maling pagtanggap ng communion ay maaring maglagay sa isang Katoliko sa matinding pagkakasala. Ang cathechism o katesismo ay paraan ng Simbahan upang turuan ang mga Katoliko tungkol sa kabanalan ng communion at iba pamg katuruan. Ang schedule ng katesismo ay makukuha sa opisina ng parokya.

Ano ang Dapat Suotin sa First Communion?

Ang mga batang mag-first communion ay pinagsusuot ng puti. Ang lalaki ay pinagsusuot ng puting polo samantalang ang mga babae ay pinagsusuot ng bestidang puti.

Ano ang Ginagawa sa First Communion?

Ang first communion ay isang malaking pagdiriwang sa Simbahan lalo kung ang mga bata ay nag-aaral sa isang Catholic School, na minsan ay may ginagawa pang rehearsals para pulido ang first communion activity.

Ang first communion ay ginagawa sa loob ng Banal na Misa. Ang highlight ng event ay yung pagpila ng mga bata sa pagtanggap nila ng unang komunyon. Ang magulang ay kasama ng mga bata sa pagtanggap ng first communion.

- - -

Basahin ang aking blog post tungkol sa kumpil.

Para sa mas malalim na impormasyon tungkol sa komunyon, inirerekomenda ko na inyong bisitahin ang Catholic Answers.

.

No comments:

Post a Comment

Comments are very much welcome. However, I reserve the right to delete comments that contains spam.

Also drop by my other blog: Ahab Reviews and Tips - my tips and reviews blog.